Sa isang ingay na pumuno sa kwartong kulob
Umaalingawngaw kasama ang bawat kabog
Naglalakbay sa pandinig ang parehong tunog
Sa bolang may adbentura sa bawat talbog
Sa isang maluwang na parang tumatakbo
Mula sa umpisa at sa dulo ng pagbabago
Kasangga ng talbog sa isang pagbuslo
Sa pagdilig ng pawis lamang matatamo
Sa bawat paggalaw lamang ay batas
Wari'y di nasusunod, wari'y sadyang patas
Sa bawat mali, hagupit ang katumbas
Dunong at kakayahan handang ipamalas
Tulad mo, sa parang nilalaro ng hangin
Tulad ko, pawis sa bawat alanganin
Naglalakbay sa tabog at bingit ng bangin
Naghhihintay, nag-aabang, tigang na dapat diligin
Sa init mula sa higaang maluwang
Naglalaro ang isip salungat sa bawat daan
Sa bawat kalabog, puso ma'y nag-aalangan
Nagtagumpay rin pagkat ika'y laging nariyan
poem ni:
special friend